Mga illegal trimobile na pumapasok sa Naga City dapat na higpitan din bilang kahilingan ng mga trimobile/ e-trike operators at drivers matapos ang naging kondisyon sa dagdag pasahe

NAGA CITY – Naging kahilingan ngayon ng mga trimobile at e-trike operators at drivers sa Naga City na dapat higpitan din ang mga iligal na trimobile na pumapasok sa lungsod, matapos na naging kondisyon ang mas mahigpit na regulasyon sa batas trapiko bilang pag-aproba sa dagdag pasahe.

Abprobado na kasi sa Sangguniang Panglungsod ang balik P15.00 na pasahe bilang kasagutan sa dagdag na P2.00.

Ayon kay Renne Gumba, Executive Director ng Naga City Public Safety Office, kasalukuyan nang nagkakaroon ng mga pagdakip sa mga illegal trimobile na walang prangkisa lalo na’t taga-ibang bayan pa kasabay sa paghuli din sa mga pasaway at lumalabag na mga driver sa lungsod.

Naging problema kasi ang ilang paglabag, katulad ng overcharging, overloading, mapili sa pasahero at ilan pa.

Maliban pa riyan, maaari ding masuspende ang implementasyon sa dagdag pasahe na sa ngayon ay nasa proseso pa ng pag-abroba ni Mayor Nelson Legacion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *