Mga imahen sa isang simbahan sa Negros Occidental – winasak!

Ipinasok ng isang suspek ang kaniyang tricycle sa loob ng simbahan ng San Isidro Labrador Parish Church sa bayan ng Binalbagan, Negros Occidental.

Sa panayan ng 99.7 Brigada News FM Kabankalan kay Fr. Leopoldo Cahilig, sinabi nitong nasa kalagitnaan siya ng pagmimisa nang biglang pumasok ang suspek kung saan wala nang magawa ang mga deboto sa kadahilanang malaki raw ang kaniyang pangangatawan.

Napanayam din ng Brigada News Team ang ilang mga Muslim Leaders sa Probinsiya ng Negros Occidental kung saan inamin din nila na isa sa mga Islam Believer si Semira ngunit labag sa paniniwala ng Islam ang ginawa ng suspek at hindi katangap-tangap ang naging aksiyon nito kung saan humihingi sila ng tawad sa simabahang Katoliko at sa mga deboto. Kasalukuyang naka detained ngayon si Semira sa Binalbagan Municipal Police Station para sa wastong disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *