Mga ipinasailalim sa state of calamity sa Davao at Caraga Region, nadagdagan pa

Nadaragdagan pa ang mga naapektuhan ng Shear line sa Davao at Caraga Region, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Sa panayam ng Brigada News Fm Manila kay OCD, Spokesperson Dir. Edgar Posadas, sinabi nito na may mahigit na sa 173K families na ang apektado ng nabanggit na sama ng panahon habang patuloy na lumulubo ang danyos sa agrikultura na umaabot na sa halos P80-milyon.

Kaugnay nito, muling madaragdagan ang bilang ng mga nasa sailalim ng state of calamity.

Siniguro naman ni Dir. Posadas na sapat pa ang pondo ng local at national goverment para sa mga kababayan na naninirahan sa walong probinysa sa Reg. 11 at Caraga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *