Business

Mga IT-BPO companies magbabalik-opisina na simula April 1 ayon sa PEZA

Magbabalik-opisina na ang mga kumpanya ng Information Technology-Business Process Outsourcing (IT-BPO) na kabilang sa special economic zones simula ngayong Biyernes, ika-1 ng Abril.

Ayon kay Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Charito Plaza, dapat sundin ang direktibang inilabas ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB)  upang hindi patawan ng multa ang mga kumpanyang lalabag sa naturang regulasyon.

Inapela ng PEZA sa FIRB na palawigin ang work from home set-up ngunit hindi ito napahintulutan dahil hindi umano ito nasa batas.

Sinabi naman ng Department of Finance (DOF) na maaaring ipagtuloy ng mga IT-BPO companies ang remote work arrangements pero mawawala sa kanila ang tax incentive katulad ng income tax holidays at ng 5% tax on gross income earned.  

Samantala, panawagan ng PEZA na matugunan ang panukalang hybrid work scheme ng susunod na administrasyon. (ARGIE ERGINA)

BNFM Makati

Recent Posts

‘Oratio Imperata’ para sa ulan sa gitna ng mainit na panahon, inilunsad ng CBCP

Inilunsad ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines' (CBCP) Episcopal Commission on Liturgy ang isang…

37 mins ago

Civilian mission sa WPS, tuloy sa kabila ng mga banta at pag-atake ng China sa barko ng Pilipinas

Nanindigan ang Atin Ito! Coalition na tuloy pa rin ang isasagawang civilian mission sa West…

56 mins ago

6 ka drug suspek, sikop sa managlahing drug operations-dcpo

Nakumpiska sa mga sakop Davao City Police Office ang kapin 19 milyon kantidad sa gituohang…

1 hour ago

71-anyos na ginang – pinagsamantalahan at pinatay ng sariling apo

SENSITIBONG BALITA: Natagpuang wala nang buhay ang 71-anyos na lola sa madamo at makawayang bahagi…

1 hour ago

Bicol University, suportado ang Catanduanes State University laban sa mga namataang Chinese vessels sa lalawigan

LEGAZPI CITY - Nagpahayag ng pakikiisa at suporta ang Bicol University (BU) sa Catanduanes State…

2 hours ago

RIC Meeting at Provincial Federation Reorganization/Election, isinagawa sa Albay

LEGAZPI CITY - Isinagawa ang isang Rural Improvement Club (RIC) Meeting at Provincial Federation Reorganization…

4 hours ago