Mga jeepney driver na wala pang kopya ng fare matrix para sa provisional fare increase, pinagbawalan munang maningil ng pisong dagdag pasahe

Pinagbawalan muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga tsuper ng jeepney sa Central Luzon na maningil ng dagdag pisong pasahe.

Ito ay hanggat hindi pa nakakakuha ng kopya ng provisional fare matrix guide o taripa sa opisina ng LTFRB sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay Atty.Jen Rodriguez ng LTFRB Region 3, iiral pa rin ang polisiyang no fare matrix no fare increase pero ang kopya ng taripa ay ibibigay nang libre sa mga operator.

Matatandaan, inaprubahan ng board ang pisong provisional fare increase para sa mga pampasaherong jeepney sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa Region dahil sa panibagong pagtaas sa presyo ng petrolyo.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *