Mga kaanak ni Jemboy Baltazar, nababahala sa kanilang buhay

Ikinagulat ng ilang kaanak ni Jemboy Baltazar ang mababang hatol ng korte sa 6 na pulis na sangkot sa pagkamatay nito.

Dahil dito, natatakot sila sa buhay nila ngayon dahil nakalaya na ang ilan sa mga pulis.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Liza Tolentino, lola ni Jemboy, sinabi nito na hindi siya nakatulog magdamag nang malaman nito ang naging desisyon ng korte.

Aniya, hindi nila alam kung sino ang tutulong sa kanila dahil pulis ang kalaban nila.

Dagdag pa nito, dapat ang nagkasala ay kailangan magdusa dahil buhay ng apo nila ang kinuha.

Matatandaang hinatulan kahapon sa Navotas City Regional Trial Court ang anim na akusadong pulis sa pagkamatay ng binatilyo kung saan isa lang ang guilty sa mas mababang kaso na homicide habang 4 na iba pa ang hinatulang guilty para sa illegal discharge of firearms at isa ang tuluyang inabswelto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *