Local News

Mga kabataan at estudyante sa Naga City , pinaalalahan sa pagsama sa mga rally

NAGA CITY – Hindi naman pinagbabawalan ng City Government ng Naga ang mga kabataan at estudyante ng lungsod na lumahok at sumama sa anumang mga nagra rally at pagtitipon.

Bahagi ito ng demokrasya at hindi ito pwedeng ipagdamot. Ito ang inilabas na pahayag ni City Councilor Elmer Baldemoro, Committee Chair ng Women and Children’s welfare sa konseho bilang reaction sa sinasabing na red-tag ang mga estudyanteng sumama sa rally sa pagtatapos ng halalan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Baldemoro, nilinaw nito na kailangan lamang na piliin ng mga estudyante at ng mga kabataan ang grupong sasamahan nila.

Iwasan anya ang mga grupong may layuning maghasik ng kaguluhan o manakit sa oras na ginagawa ang rally, sabi pa ng konsehal.

Dismayado naman siya sa napabalitang may nagre-red tag sa mga kabataan dahil sa sumama ang ilan sa mga ito sa  ginanap kilos-protesta sa plaza na pinangunahan ng mga progresibong grupo.

Ayun sa kanya, ang ginawang paglahok ng mga estudyante sa naturang rally ay pagpapakita lamang ng kanilang saloobin at hindi naman para manggulo o labanan ang gobyerno.  

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

19 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

19 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

19 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

19 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

19 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

20 hours ago