Mga kabataang non-comorbid pwede nang bakunahan kontra corona virus disease sa mga RHU sa Zambales

Pinayagan ng Provincial Health Office na bakunahan kontra corona virus disease ang mga kabataang edad labindalawa hanggang labing-pitong taong gulang na walang karamdaman o non-comorbid sa mga Rural Health Unit ng bawat bayan.

Ayon kay Zambales Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, kinakailangan lamang na doctor ang mag-aassess sa magpapabakuna sa mga RHU.

Kung sakali naman na mayroong comorbidity ang pupunta sa RHU, i-rerefer ito sa mga ospital.Ang referral hospital ng mula Subic hanggang San Antonio ay San Marcelino District Hospital, mula San Narciso-Iba naman ay sa Pres. Ramon Magsaysay Memorila Hospital, Masinloc-Candelaria ay sa Candelaria District Hospital at ang Sta. Cruz ay sa Ospital ng Sta. Cruz.

Samantala, nitong nakaraang Byernes ay nagsimulang magbakuna ang Zambales sa mga kabataan at umabot sa 154 ang mga nabakunahan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'SHOP NOW! Lazada Non-acidic na Vitamin C, makukuha sa Guard C Calcium Ascorbate Protektado ang kalusugan, nang hindi humahapdi ang Tiyan! ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C w.'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *