Mga kandidatong umatras para sa BSKE sa Abra, mahigit 260 na

Nadagdagan pa ang mga kandidatong umatras sa kanilang kandidatura para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa probinsiya ng Abra.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News Fm kay Abra Provincial Police Office public information office chief Police Captain Ronaldo Eslabra, mula sa 254 , umabot na sa 267 ang mga kandidatong nag-withdraw sa pagtakbo.

Mula sa nabanggit na bilang 55 ang bgy captain, 96 ang bgy councilor, 24 ang SK chairperson at 92 ang sa pagka SK kagawad.

Pinakamarami rito ay naitala sa Munisipyo ng Bangued – 50, Licuan-Baay- 40 at Tineg sa 23 mga kandidato.

Ilan sa mga dahilan ng pag-urong ay pagkakaroon ng usapan sa kanilang mga tinatawag na “elders” , pangalawa ay posibleng kulang sa budget o panggastos ang isang kandidato, at pangatlo ang umano’y banta sa kanilang buhay.

Sa kabila nito, sinabi ni Capt. Eslabra na nananatiling mapayapa ang buong probinsiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *