Mga kasapi ng PNP Kalinga, ginawaran ng Medalya ng Kagalingan at Papuri

Nakatanggap ng Medalya ng Kagalingan at Papuri ang mga kasapi ng PNP Kalinga kaugnay sa kanilang mahusay na pagtupad sa kanilang tungkulin ngayong araw, May 31, 2021 sa Masigagsig Grandstand, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Ito ay kasabay ng isinagawang Virtual Monday Flag Raising Ceremony na pinangunahan ni Regional Director PBgen. Ronald Lee.

Binigyan ng Medalya ng Kagalingan si PLtCol. Elmo Aspilan bilang team leader at PMsg. Filemon Dulyongan sa matagumpay na operasyon sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga kung saan sinira ang mga pananim na marijuana noong May 12-14 na tinatayang nagkakahalaga ng 41.2 million pesos.

Habang iginawad naman kay PSSg Noemie Calsiyao Dumagdag at iba pang kasapi ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company (1st KPMFC) dahil sa kanilang pagtulong sa pamilya Dalanon na nawalan ng tirahan dahil sa nangyaring sunog sa Darulog, Dupligan, Tanudan.

Namahagi ang kanilang grupo ng mga pagkain, tulugan, hygiene kits at 5 piraso ng roofing sheets sa naturang pamilya sa ilalim ng Adopt a Family Program ng PNP at ang Project “Kabadang” ng 1st KPMFC.

Ayon sa Kalinga Police Provincial Office, bahagi lamang umano ang naturang tagumpay ng kapulisan ng kanilang mataas na antas ng commitment, dedikasyon at teamwork sa kampaniya kontra iligal na droga at ng police core value na Makatao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *