Mga Katoliko – maagang dumagsa sa mga Simbahan para sa Ash Wednesday

Maaga pa lamang ay dumagsa na ang mga Katolika sa iba’t ibang mga Simbahan sa bansa.

Ito ay para magpapahid ng abo – kasabay ng Ash Wednesday ngayong araw.

Ito ang marka ng opisyal na paguumpisa ng Kuwaresma; o’ y’yung 40 araw na paghahanda para sa Semana Santa.

Sa mensahe ng Simbahan – kanilang hinikayat ang mga mananampalataya na maliban sa pakikipag-date sa mga minamahal ngayong Araw ng mga Puso, dapat ay ‘di rin daw kalilimutang makipag-date din sa Panginoon.

March 24 ang araw ng Palaspas; habang sa March 28 ang Huwebes Santo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *