Mga kinakailangan sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa rehiyon, inilatag ng NEDA Bicol

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng National Economics and Development Authority (NEDA) Bicol ang mga bagay na lubos na kailangan upang makabawi ang rehiyon at mapaunlad ang ekonomiya nito.

Ayon sa tanggapan, marami pa ring mga barangay dito ang itinuturing bilang geographically isolated, ngunit noong nakaraang administrasyon ay nakitaan ito ng improvement, kung kaya’t may mga barangay na naalis na sa gayong klasipikasyon.

Ngunit hindi umano maikakailang may mga barangay na naiwan sa pagiging geographically isolated at depressed areas, kaya kinakailangan na pagsumikapan pa.

Dahil dito, inihayag ng NEDA Bicol na kinakailangang makakuha ng mga investors na maglalagay ng maraming mga oportunidad sa mga trabaho.

Bukod dito ay kinakailangan ding magkaroon ng mabuti, sapat at abot-kayang kuryente upang makaakit ng posibleng mga investors.

Maliban pa rito, kinakailangan umanong dagdagan pa ang mga imprastraktura, at maging ang kapayapaan at seguridad ay makakatulong upang mapaunlad ang ekonomiya sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *