Mga konsehal sa Koronadal, tinatawag na “Working Sanggunian”

KORONADAL CITY – INILATAG ni Secretary to the Sanggunian Marites Togonon ang mga accomplishments ng mga miyembro ng konseho ng lungsod ng Koronadal sa loob ng taong 2023 sa isinagawang Ugnayan sa Sanggunian.

Ayon kay Togonon, maituturing na isang “working SP” ang buong 8th Sanggunian na pinangungunahan ni City Vice Mayor Erlinda P. Araquil. Sa taong 2023, 25 na mga ordinansa ang naipalabas ng SP kabilang na ang 16 na General Ordinances, 9 na Appropriation Ordinances at isang Tax Ordinance o ang Revenue Code ng lungsod.

Naka-approved din ang mga ito ng kabuuang 253 na resolusyon noong nagdaang taon. Dagdag pa ng secretary ng SP, batay sa kanilang record, nakapagpalabas ng kabuuang 51 na sesyon, 49 dito ang regular at dalawa na special sessions sa loob ng taong 2023. Samantala, wala namang SP member na lumiban sa sesyon maliban na lamang kung ito ay nasa Official Business o naka-file sang sick leave.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *