Kumakalat na espekulasyon vs Go re: PAF helicopter crash, binigyang linaw

Inilahad ng Chief of Command Staff ng Air Mobility Command kung anu ang totoong nangyari sa araw na bumagsak ang isang eroplano ng Philippine Air Force sa Bohol noong April 27, kung saan naabutan ni Sen. Bong Go ang mga survivors na ibinababa at isinasakay sa isang ambulansya sa Mactan Air Base.

https://www.facebook.com/PowerCellsHC

Ito ay sa gitna ng mga espekulasyon at fake news na ibinabato laban kay Go, at inakusahan pang planado o scripted ang kanyang paglapit at pagkausap sa mga survivors.

Ayon kay Colonel Tony Francisco, na personal na naka-kita at kasama ng senador, pumunta si Sen Go sa tarmac kung saan naghihintay ang kanyang eroplano patungong Manila, matapos ang pulong sa ilang mga kalihim sa Base Operation.

“Halfway between the base operations and his waiting aircraft, he saw that two ambulances where prepositioning near a newly landed PAF Bell helicopter, about 120 meters from where we were walking.

Nung pagkakataon po na iyon, tinanong nya sa akin kung ano ang nangyayari at bakit may mga ambulansya at mga sundalong naghihintay malapit sa ambulansya?

Sinabi ko po kay Sen. Bong Go na may naaksidente kaming helicopter na nag crash kaninang umaga sa bandang Bohol at ang Bell helicopter na nakikita nya ay sakay ang tatlong survivors” pagbabahagi ni Francisco.

Dito na agad tumakbo si Go papunta sa ambulansya, kung saan una nitong inabutan ang babaeng piloto na survivor na naunang nakababa sa helicopter at eksaktong pasakay na sa ambulansya, at sumunod ang dalawa pang survivor, at tiniyak sa mga ito ang kanyang tulong.

Paglilinaw pa ng opisyal, nasa gilid lang ng ambulansya si Sen. Bong Go habang kinakausap ang mga pasyente, kaya hindi umano nito naabala yung ginagawa ng mga medic sa pag secure sa mga pasyente, at wala rin umanong media na nagdokumento sa pangyayari, maliban na lamang sa kanilang mga kasamahan na may dalang cellphones.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *