Local News

Mga kumukuha ng police clearance sa PNP Cauayan City, dagsa pa rin

Dagsa pa rin ang mga nagtutungo sa Cauayan City Police Station para kumuha ng Police Clearance sa ikalawang linggo ng buwan ng Enero ngayong taon.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng PNP Cauayan, sinabi niya na nasa 80-100 na katao ang kanilang naa-accommodate kada araw at nadagdagan pa ito sa ngayon.

Aniya, “first come, first serve basis” ang ipinapatupad na panuntunan kung saan nagbibigay sila ng number bawat aplikante.

Ayon kay PLt. Topinio, inaasahan na ito aniya dahil ngayong unang buwan ng bagong taon ay kinakailangan ng pagre-renew ng business permit, mga naghahanap ng trabaho at iba’t-iba pang purposes.

Sinabi niya na para sa first step upang makakuha ng police clearance ay kailangang maglog-in online sa pnp.gov.ph kung saan mayroong mga pupunang impormasyon.

Pagkatapos ay makakakuha ng reference number na siyang gagamitin para sa pagbabayad ng police clearance fee sa mga bayad center na nagkakahalaga ng 160 subalit nakadipende rin aniya kung may ipapataw na charge fee ang mga bayad center.

Kunin lamang ang katibayan ng pinagbayaran at magtungo na sila sa PNP para sa pagkuha ng biometrics.

Para naman sa mga nahihirapan sa pagreregister online ay mayroon aniyang mga nakapwestong registration area sa istasyon para maasistihan ang mga ito.

Minsan lang aniya ay nakakaranas ng ‘down’ sa system subalit inirereport naman nila ito at naaagapan kaagad.

Ayon pa kay PLt. Topinio, posibleng hanggang sa buwan pa ng Pebrero aabot ganitong senaryo sa pagkuha ng police clearance.

Tiniyak naman nila na nasusunod ang mga health protocols bilang pag-iingat sa COVID-19.

BNFM Cauayan

Recent Posts

RIC Meeting at Provincial Federation Reorganization/Election, isinagawa sa Albay

LEGAZPI CITY - Isinagawa ang isang Rural Improvement Club (RIC) Meeting at Provincial Federation Reorganization…

30 mins ago

Bagyo sa loob ng PAR ngayong Mayo hindi pa 100% sigurado- Typhoon Specialist

NAGA CITY- Isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahan ngayong Mayo ayon sa forecast ng PAGSA.…

39 mins ago

108 assistive devices, ipinamahagi sa mga PWDs sa So.Cot

KORONADAL CITY – NAMAHAGI ng assistive devices ang Provincial Social Welfare and Development Office o…

59 mins ago

Suspension ng WESM sa mataas na singil ng kuryente, malaking tulong sa member-consumer-CASURECO II

CAMARINES SUR- Malaking tulong para sa mga member-consumer ng Camarines Sur II Electric Cooperative (CASURECO…

1 hour ago

Championship sa football games sa Palarong Bicol 2024, nauwi sa rambulan; ilang mga manonood, nagkasakitan din

LEGAZPI CITY - Nauwi sa rambulan ang isinagawang Men's Division Championship Football Games sa pagitan…

1 hour ago

DepEd Bicol, ikinadismaya ang nangyaring girian sa pagitan ng dalawang team sa nagpapatuloy na Palarong Bicol 2024

BNFM Bicol-IKINADISMAYA naman ng pamunuan ng Department of Education o DepEd Bicol ang nangyaring girian…

1 hour ago