Mga lalaking katekista napiling sektor na sasakay sa pagoda ni ina ngayong taon

NAGA CITY- Mga lalaking mga katekista ang napiling sektor na sasakay sa pagoda ni Inang  Peñafrancia at El Divino Rostro para sa Fluvial Procession ngayong Sept. 16, 2023.

Ito ang sinabi sa press conference ni Fr. Louie Occiano, head ng Caceres Commission on Communication. Taon-taon may mga napipiling sektor halimbawa noong 2022 mga medical frontliners partikular na mga doktor at nurses ang pangunahing sakay ng pagoda.

Limitado ang dapat na sumakay ayon sa Philippine Coastguard tulad ng dati 200 pa rin base sa guidelines ng Maritime Industry o MARINA. Kung sa 93 na parokya may kulang ang naipadalang representante , saka lamang makakasakay ang ilang miyembro ng media. Istrikto naman ang simbahan na walang babaeng dapat na sumakay sa pagoda dahil sa mga paniniwala na dapat si Ina lamang.

Matagal na ring ipinagbabawal na mayroong mga kilalang personalidad o mga artista sa pagoda upang hindi makaagaw ng atensyon.

Sa nagdaang Signing of Memorandum of Commitment at Initial Coordination Meeting ng Peñafrancia Multi-Agency Coordination Group kasama ang Joint Operations Center, nabanggit na inaasahang aabot sa 1.3 hanggang 1.5 milyon na mga deboto’t mga pilgrims ang dadalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *