National

Mga lalawigan, makakakuha ng 15k- 20k COVID-19 vaccine doses- Galvez

Aabot sa 15,000 hanggang 20,000 doses ng COVID-19 vaccine ang makukuha ng mga lalawigan sa labas ng Metro Manila kapag dumating na ang mas maraming suplay ng COVID-19 vaccines. 

Ito ang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kung saan 5.5 milyong doses ng Sinovac vaccine ang ipapadala umano sa bansa ng China sa susunod na buwan. 

Nilinaw ng kalihim na target ng vaccine manufacturer na matapos ang 20.5 milyong doses na ide-deliver sa bansa pagdating ng Setyembre sa halip na Nobyembre ngayong taon. 

Sa ngayon aniya, mahiti 14 milyong doses na ng COVID-19 vaccine ang nakuha ng bansa at mahigit siyam na milyon nito ay dumating ngayong Hunyo. 

Kasabay nito, ibinida ni Galvez na sinelyuhan ng pamahalaan ang 40 ilyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer na pwede na ring maiturok sa mga edad 12 years old pataas.

BNFM Makati

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

3 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

3 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

3 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

3 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

3 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

3 hours ago