Local News

Mga lambat na gamit ng norway na iniwan sa karagatang sakop ng Mercedes narekober ng Bantay Dagat

CAMARINES NORTE- Narekober kamakalawa ng Bantay Dagat ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang mga lambat na gamit umano sa iligal na pangingisda.

Ayon kay Mayor Alexander Pajarillo narekober ang naturang mga  fishing paraphernalia sa may bahagi ng Canimog makaraang makatakas ang isang Norway na iligal na nangingisda sa loob ng Municipal Water.

Hindi umano natukoy kung mga taga saan ang tripulante na pinutol ang mga lambat at tumakas palayo bago pa maabutan ng Task Force.

Personal namang pinangasiwaan ng Alkalde ang pag kustodiya sa mga narekober na lambat para sa kakukulang disposisyon.

Binigyang diin ng LGU na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng batas partikular ng Sec. 95 ng R.A. 10654 o Philippine Fisheries Code ang pagpasok ng mga malalaking commercial fishing vessel sa loob ng municipal water gamit ang active fishing gear na naka- define sa naturang batas.

Mababatid na maliban sa naturang LGU ay puspusan din ngayon ang kampanya ng Provincial Government kontra iligal fishing.

Kaya naman nilikha ang Governor’s Special Action Group (GSAG) sa bisa ng Executive Order ng Gobernador.

Kamakailan lang ay isinailalim sa 3- day training ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga miyembro nito.

Photo: Mayor Alex

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago