Mga LGU’s, isasailalim sa evaluation kung kayang mag-handle ng mga covid-19 vaccine na may specialized facility

Magsasagawa ng evaluation ang National Vaccination Operations Center sa mga lokal na pamahalaan sa bansa na una nang nabigyan ng suplay ng bakunang Sputnik V ng Russia.

Ang mga LGU’s na ito ang tinukoy na may kakayanan na makapag-imbak ng specialized vaccine o yung tinatawag na subzero storage requirement tulad ng Sputnik V, Pfizer at Moderna.

Ayon kay vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, sa oras na maayos at maganda ang kalabasan ng isasagawang evaluation, maaari umano silang bigyan ng dagdag na alokasyon kapag dumating na ang mas maraming suplay pa ng bakuna.

Kaugnay nito’y inihayag naman ni Sec. Galvez na para makasiguro na walang masasayang sa mga bakunang nangangailangan ng special cold storeage facility, kumontrata na ang pamahalaan ng third party tulad ng Zuellig Pharma para mangasiwa sa storage ng mga sensitibong COVID 19 vaccine.

Naniniwala ang kalihim na magiging kumpiyansa ang mga vaccine manufacturers tulad ng Pfizer at Moderna na kayang i handle ng bansa ang kanilang bakuna kaya mai-engganyo aniya ang mga ito mag-deliver pa ng mas maraming supply.

Samantala, tiniyak din ng vaccine czar na dumaan sa tama at sapat na training ang lahat ng mga doktor at local health officers na siyang mangagasiwa sa mga nasabing bakuna upang hindi maantala ang rollout ng mass vaccination sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *