Mga LGUs sa Camarines Sur naghihintay sa mga paparating na panibagong supply ng COVID-19 vaccines galing sa Provincial Government; publiko muling inabisuhang magpabakuna

NAGA CITY –Halos lahat ng mga LGU’s sa Camarines Sur tigil muna sa kanilang vaccination program dahil nga sa ubos na ang supply ng COVID-19 vaccines, AstraZeneca man o CornaVac ng Sinovac.

Naghihintay ang mga LGUs ng mga vaccines na ibababa sa provincial government na posibleng dumating sa susunod pang linggo.

Kaugnay nito, nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Calabanga Mayor Eduardo Severo at nabanggit nito na katatapos pa lamang ng kanilang vaccination sa nasa A1 at A2 priority.

Target nila ay mabakunahan muna ang 85% na nasa priority list nila na kanilang makokompleto sa oras na dumating ang hinihintay na dagdag na vaccines.

Muli , nanawagan ang alkalde sa publiko na huwag matakot sa pagpabakuna ng kahit anong brand bilang proteksyon sa matinding epekto sa katawan ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *