Mga Lider sa BARMM nagkasundo sa panawagang BTA Extension

NAGKASUNDO na ang lahat ng mga lider sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na magkaisa sa panawagang extension ng transition period mula 2022 hanggang 2025.

Ito ang magandang balitang hatid ni BARMM Spokesman at sya ring Ministro ng MILG na si Atty. Naguib Sinarimbo sa programang Radyo Sindaw na napapakinggan sa Brigada News FM Cotabato tuwing gabi ng Byernes mula alas syete hanggang alas otso ng gabi.

Sa panayam ng programa sa opisyal, bago ang nangyaring pulong kagabi sa pagitan ng mga BARMM leaders at kay Pangulong Duterte kasama ang kanyang mga cabinet secretary ay nagkaroon muna ng Council of Leaders meeting ang mga ito noong umaga ng June 23, 2021.

Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang pagkakaroon ng representasyon ng mga LGU’s, equitable ang lahat ng mga programa ng bawat LGU, at ang pagkakaroon ng regular na pag-uusap sa pagitan ng mga BARMM officials at mga myembro ng Council of Leader.

Binubuo ang Council of Leaders ng mga Municipal at City Mayor, Provincial Governors, at mga Representatives o kinatawan sa kongreso ng mga distrito sa rehiyon. Tumanggi namang magbigay ng iba pang detalye si Minister Sinarimbo sa naging resulta naman ng pagpupulong kagabi dahil ito ay isang classified private meeting.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *