Mga lumang istraktura at landmarks sa naga city na may mahalagang bahagi sa kasaysayan hindi dapat na galawin kahit nasa pribadong lote ayon sa national historical commission

NAGA CITY Hindi puwedeng galawin ninuman o kahit ng LGU-Naga ang mga lumang isatraktura at landmarks sa lungsod na naging bahagi ng kasaysayan noon at ngayon kahit na nasa pribadong lote ito.

Ito ang pinanindigan ng National Historical Commission hinggil sa naturang isyu na inihayag naman kahapon sa regular session ng konseho sa pamamagitan ni City Councilor Jose Perez, ang Chairman ng Culture and the Arts at Tourism, na siya namang kanyang ipinaliwanag sa mga taga media.

Sinabi niya sa Brigada News FM Naga na marami sa lungsod ang may luma ng mga istraktura, tulad ng mga bahay na naitayo panahon pa bago ang giyera, mga bahay o building na nasa pribadong lote.

Nabanggit niya ang lumang istraktura sa isang pribadong lote sa Barangay San Francisco, na tunay na makasaysayan batay na rin sa bagong desisyon na in ilabas ng NHC, ibig sabihin hindi ito puwedeng galawin kahit na may-ari ng naturang lote.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *