Mga lumang simbahan mahalagang naiinspeksyon upang maiwasan ang tulad ng nangyari sa Bulacan- MDRRM Milaor

NAGA CITY- Luma na ang kahoy na ikalawang palapag  ng St. Peter the Apostle Church sa San Jose del Monte City sa Bulacan, dahilan ng pagbagsak nito noong Pebrero 14, 2024 na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng 52 na iba pa. Kaya naman ayon sa MDRRM Milaor , mahalaga na laging na iinspeksyon ang lumang mga simbahan at establishments.

Kaya naman sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Milaor Edwin Olitoquit, sinabi nitong mayroon silang mahigit 280 taon nang simbahan. Mayroon na ritong mga inayos o nirenovate pero mayroong mga napreserve. Kapag ka nagkakaroon ng lindol nagkakaroon ng inspeksyon ang Engineering Office sa simbahan at iba pang mga istruktura , makasaysakay man o bago.

Ngayong magiging sunod-sunod ang aktibidad ng simbahang katolika, mas magbabantay ang MDRRM at mga katuwang sa opisina sa mga tinataong lugar o mga gusali’t istruktura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *