Mga magbibiro sa “Isumbong ang pusher hotline” kakasuhan-  Naga City Anti-drug Task Force

NAGA  CITY –Nakakatulong sa paghuli ng mga drug personalities sa Naga City ang “Isumbong Ang Pusher Hotline” na may numerong 0917-621-3000, batay sa inilabas na ulat sa media ng Naga City Anti-Drug Task Force na pinamumunuan ni City Councilor Melvin Ramon “Omar” Buenafe mula ng ilunsad ito kamailan lamang.

Dumadaan muna sa masusing pagberipika ang anumang sumbong na nakakarating sa hotline na ayon sa konsehal ito ay sa pamamagitan ng validation na ginawa ng kanilang mga personahe .

Kaugnay nito,naglabas din ng babala si Renne Gumba, head ng Public Safety Office na huwag gagamitin sa anumang masamang mensahe, pagbibiro o pagbibigay ng maling impormasyon ang hotline, dahil sa posibleng makasuhan nila ang gagawa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *