Mga magkakarelasyong CamNorteño mas pinipiling panahon ang buwan ng Abril at Hunyo kaysa Pebrero sa kanilang pagpapakasal – PSA

CAMARINES NORTE – Taliwas sa inaakala na mas maraming nagpapakasal kapag “Feb-ibig” month, mas pinipiling panahon ng mga magkakarelasyong Cam Norteños na magpakasal sa buwan ng Abril at Hunyo kaysa Pebrero.

Batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) Provincial Office.

Noong 2022, nakapagtala ang PSA ng nasa 2, 752 naganap na kasalan at ang pinakamarami ay sa buwan ng Abril na nasa 349.

Nangunguna ang Daet sa may pinakamaraming kasalang naganap na may 482 habang pasok  sa top 3 ang Labo at Paracale na may 464 at 303 ayon sa pagkakasunon- sunod.

Mas pinipili ng mga magkasintahan ang civil wedding na may 1, 619 kumpara sa kasal sa  simbahan na may 937 at 192 sa ibang wedding rites.

Sa unang semester naman ng 2023 ay nakapagtala ang PSA ng 1, 450 na mga nagpakasal.

Top 3 pa rin ang Daet na may 296, Labo na may 231 at ang Paracale na may 219.

Sa panahong ito naman ay mas marami ang nagpakasal sa buwan ng Hunyo. Sa panahon ding ito ay mas marami ang ikinasal sa simbahan na may 934 kumpara sa 515 na civil wedding.

Nang matanong naman kung nagkakaroon din ba ng survey ang PSA hinggil sa mga naghihiwalay o nawawasak na relasyon, sagot ni Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao…

Batay naman sa 2020 Census of Population and Housing,  umaabot sa mahigit 34,000 ang bilang ng mga “single” sa Pilipinas.

Mas marami ang single na lalaki na nasa 54 % kumpara sa mga babae sa age group na below 60 years old.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *