Mga magsasaka, padadapain ng mungkahing P100 daily wage increase

May ilang sektor na tatamaan ng mungkahing P100 daily wage increase.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis Jr., sinabi nitong posible kasing pataasin ng mga kumpanya ang kanilang produkto dahil sa ipatutupad na wage increase.

Dahil dito, lubha umanong padadapain ng taas-sahod ang mga mamamayang hindi naman mabibiyayaan ng naturang increase dahil sa pagmahal ng mga bilihin.

Sa huli, nanindigan ang opisyal na sa sandaling ipilit ang dagdag na sahod kawawa ang mga sektor na hindi makararanas nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *