Mga magsasaka sa Cabusao, Camarines Sur na apektado ng El Nino Phenomenon, naghihintay sa ayudang ibibigay mula sa Department of Agriculture

NAGA CITY – Hinihintay na rin ngayon ng mga magsasakang apketado ng matinding init ng panahon sa Cabusao Camarines Sur ang magiging ayudang ibibigay ng Department of Agriculture tulad ng palay seed, abono at iba pa na una ring ibinigay sa ibang bayan sa lalawigan ng naturang ahensiya.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga na halos nasa 200 ektarya ng palayan ang apektado sa lugar , particular na iyong mga nahuli o nagpahabol pa sa pagtanim.

Sinabi naman ni Biong Barangay Kagawad Lanie Busing Boragay, chairman ng agriculture sa konseho na regular naman silang nakakatanggap ng mga ayudang ito na kanilang inaasahan lalo pa at mahigit 80 ektarya ng palayan sa kanilang lugar ang hindi na naabot ng irigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *