Mga magsasaka sa Masinloc may napinsalang pananim dahil sa habagat, makatatanggap ng kompensasyon sa PCIC

Makatatanggap ng kompensasyon mula sa Philippine Crop Insurance Corporation ang mga magsasaka sa Masinloc, Zambales.

Ito ay para sa mga may palayan na napinsala ng nakaraan lamang na habagat at pagbabaha o mga namatayan ng hayop dahil sa kalamidad.

Ayon sa PCIC basta naiparehistro ang kanilang mga palayan, mga ari-arian at mga alagang hayop ay awtomatikong makatatanggap ng kompensasyon.

Dagdag pa ng PCIc naka-depende sa laki ng bukirin at dami ng napinsala ang babayaran.

Kaugnay pa rin nito sa kasalukuyan may 193 magsasaka ang naka-insured sa PCIC sa bayan lamang ng Masinloc.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *