Mga magsasakang nakapag-ani, ligtas na sa tag-init at mga pesteng nasa palayan sa ilang bayan sa Camarines Sur

NAGA CITY – Ligtas na sa anumang peste o epekto ng mainit na panahong nararamdaman ngayon ang mga magsasaka sa ilang bayan sa Camarines Sur na nakapag-ani na o nag-aani ng kanilang palay, tulad na lamang sa Canaman.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Virgie Blaza, Vice President ng Punta Diamante Farmers Association na sumasakop sa ilang barangay sa nabanggit ng bayan, sinabing hindi nila naranasan ang mga problema sa peste at kakulangan ng tubig, ang talagang problema nila ang mga residenteng nakatira sa paligid ng palayan na nagdudulot ng maruming tubig sa kanilang taniman.

Nabanggit niya na ang mga daga ay takot sa tubig, at gusto ng mga ito ay ang mga tuyong lugar na may pagkain tulad ng palay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *