Mga mahahalagang bagay upang magkaroon ng impact ang environmental planners sa komunidad, inilatag ng PIEP

Inihayag ng Philippine Institute of Environmental Planners (PIEP) ang tatlong mahahalagang bagay na kinakailangan upang magkaroon sila ng epekto o impact sa mga komunidad.

Ayon kay Maria Ana Pulido, isa sa board of trustees ng PIEP, kinakailangang magkaroon ng malakas na kolaborasyon ang mga environmental planners dahil hindi naman umano ito kompetisyon.

Aniya, ang pagpaplano ay ginagawa nang may pagtutulungan at pagkakaisa.

Dagdag pa rito, kinakailangan rin umano ng kooperasyon at ang pagtukoy sa kanya-kanyang kakayahan at kagalingan dahil ang bawat isa ay mula sa iba’t ibang field of profession.

Kahulugan nito na ang bawat isa ay kombinasyon ng multi-disciplinary professionals, kung kaya hindi kinakailangan ng kompetisyon, bagkus magkaroon ng pagkakaisa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *