Mga maliliit na sasakyang pandagat maaari nang maglayag

CAMARINES NORTE – Pwede nang maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa karagatang sakop ng Camarines Norte.

Epektibo nitong Martes, December 19, ay lifted na ang ipinatupad na temporary suspension of voyage para sa mga bangkang 250 G.T pababa.

Batay sa notice to mariners na ipinalabas ni LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Commander ng Camarines Norte Coast Guard station wala nang nakataas na gale warning sa karagatang sakop ng probinsiya.

Mababatid na ipinatupad ang temporary suspension dahil sa malakas na alon na dulot ng shear line.

Ang hakbang na ito ay ginawa ng Coast Guard bilang proactive  measure at para maiwasan ang mga maritime incident.

Una nang nagpaalala ang Coast Guard lalo na sa mga magingisda na mag doble ingat sa pagpalaot ngayong panahon ng amihan.

Paalala ng ahensiya na ugaliin ang pag monitor sa lagay ng panahon bago pumalaot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *