Editors Pick

Mga mambabatas, humiling ng agarang LEDAC meeting

Umaasa ang ilang mga mambabatas na mauumpisahan na ang pag-convene sa Legislative Executive Development Advisory Council ‘o yung LEDAC.

Sa gitna pa rin ito ng pag-veto ni Pangulong Bongbong Marcos sa limang mga panukala sa unang isang daang araw niya sa Palasyo – pati na rin ang pagkaka-lapse into law ng ilang mga mga bills ng nagdaang Kongreso.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, posible umanong sa susunod na linggo ay maaari nang magpatawag ng LEDAC meeting.

Maliban sa mga serye ng vetoed bills, tatalakayin dinumano ang mga 19 na mga priority bills na inisa-isa ni Marcos sa kanyang nagdaang SONA.

Una nang sinabi ni Senador Chiz Escudero na maiiwasan ang tinatawag niyang “bill vetoing-spree” ng Malacañang kung mayroong epektibong point person na mag-uugnay sa Palasyo at Kongreso sa pagkamit ng legislative agenda ng punong ehekutibo.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

8 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

8 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

8 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

9 hours ago