Mga mangagaling sa low risk area na papasok sa Camarines Norte kailangan pa ring sumailalim sa testing kung magpapakita ng sintomas ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Nagpalabas noong Biyernes ng bagong issuance ang Provincial Incident Management Team na nagtatakda ng pamantayan para sa lahat ng mga papasok sa Camarines Norte.

Batay dito, lahat ng travellers na papasok sa lalawigan na mangagaling sa high risk areas batay sa classification ng Inter- Agency Task Force ay kailangang magsumite ng negative result ng RT- PCR test o Rapid Antigen Test.

Ngayong umaga sa nagging panayam ng Brigada News FM Daet, nilinaw ni Incident Commander for Health Dr. Arnel Francisco na hindi na kailangan ang Rapid Antigen Test kung mangagaling sa parehong classification na low risk.

Pero kung magpapakita ng sintomas tulad ng ubo, sipon o lagnat ay kailangan itong isailalim sa Rapid Antigen Test o RT- PCR test kahit pa nangaling sa low risk areas.

“Pag low risk to low risk wala pong, hindi po kailangan  magdala ng Rapid Antigen Test,  pero may exemption diyan, pumasok ka at ikaw ay may ubo, may sipon, may lagnat otomatik po yan, kahit galing ka sa low risk, submit yourself for Rapid Antigen test or RT PCR,” ani Francisco.

At bagamat hindi na rin kailangan ng negative result ng RT PCR o Rapid Antigen Test ang mga Authorize Person Outside Residence (APOR), ay dapat pa rin itong isailalim sa testing kung ito naman ay mangagaling sa high risk areas.

“Sabi ko nga kung ang APOR na yan ay galing sa high risk, do you think na hindi isu- submit yan? (testing), yan ang basis natin kaya nga low risk tayo at sila ay high risk, hindi po pwedeng pasukan ng high risk ang low risk, even APOR sila, they will submit themselves dun sa Rapid Antigen Test or may dala silang negative RT PCR.”

Ipinagtanggol din ni Francisco ang ginagawang paghihigpit sa border ng lalawigan upang maiwasan ang pagpasok ng sakit lalo na ang pinangangambahang Delta variant.

Wala naman raw kasing makapagsasabi kung saan papasok ang mga variants.

“Low risk tayo eh so expected natin yung mga ibang pumapasok dito galing high rsik ano, so tama rin naman yung ginagawa natin diyan sa borders natin at isa pa strategy po natin yan, walang magsasabi kung saan papasok si Delta, walang magsasabi kung saan papasok si Beta, right now sabi ko nga meron tayong Beta variant dito na ating tinitingnan ngayon at talagang lahat ng mga close contact ng Beta varaiant na yan ay talagang kinukuha namin para i- swab.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *