Mga mangingisda, nanawagan kay Marcos na tapusin na ang closed fishing season

Tutol ang small-scale Filipino fishermen sa plano ng gobyerno na umangkat ng 25,000 metric tons ng isda, sa gitna ng closed fishing season na magtatagal hanggang sa January 2023.

Kaugnay nito, nanawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), sa national government na tapusin na ang pag-angkat ng isda, sa halip ay suportahan ang local fish production.

Giit ng grupo, na ang closed fishing season sa mga pangunahing pangisdaan at ang importasyon ng isda ay kapwa mapaminsala umano sa mga maliliit at lokal na mangingisda.

Mababatid na naglabas ang Department of Agriculture (DA) ng Special Order 1002 s. 2022, kung saan inilatag ang mga panuntunan para sa pag-angkat ng 25,000 metric tons ng frozen round scad, bigeye scad, mackerel, bonito at moonfish para sa mga palengke sa Pilipinas habang nasa closed fishing season na nangsimula ngayong Nobyembre at magtatapos sa January 2023.

Para naman mapigilan umano ang “detrimental effects” ng importation sa local fishing industry, hinimok ng Pamalakaya si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, na agad magbigay ng tulong sa mga mangingisda, sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na production subsidies para sa marginalized sectors. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *