Mga may sintomas ng Covid-19, hinihiling na magpa-swab test!

KORONADAL CITY — AGAD na makipag-ugnayan sa mga Barangay Health Emergency Response Team o BHERT sakaling may nararanasang sintomas ng Covid-19.

Ito ang panawagan ngayon ni Koronadal City Health Officer Dr. Edito Vego sa publiko dahil marami pa rin ang nag-popositibo sa nasabing sakit.

Ayon sa opisyal, maituturing lamang na “tip of an iceberg” ang mga isinasailalim sa swab test ng city government ng Koronadal dahil may mga tao pa rin na kahit positibo sa virus, labas pa rin ng labas dahil sa kawalan ng sintomas.

Hiling ng opisyal sa publiko na huwag matakot na lumapit sa mga BHERTs lalo na kung may sintomas ng Covid-19 at may Covid-19 positive na nakasalamuha.

Nilinaw din ng opisyal na libre ang swab test na ginagawa araw-araw ng city health at hindi sila tumatanggap ng walk-in clients.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *