Mga Media Practitioner, muling pinaalalahanan ng simbahang katolika ng tama at nararapat na paraan ng pamamahayag

NAGA CITY- Muling pinaalalahanan ng simbahang katolika ang mga media practitioner kung paano ang tama at nararapat na paraan ng pagbibigay ng impormasyon sa publiko lalo na ngayon na sa modernong panahon, naglipana pa rin ang mga maling balita at impormasyon.

Sa isinagawang Media Lenten Recollection noong Sabado, sinabi ni Rev. Fr. Roy Regaspi na upang mas maging epektibo pa sa paghahatid ng mga balita sa komunidad, kinakailangan na sila ay nagpapahayag na may paggabay mula sa simbahan.

Sinabi naman ni Vicac, Catanduanes Bishop Elect Louie Occiano, na ang media bilang tagapaghatid ng mga impormasyon, kailangan na ginagawa ang trabaho na puno ng pagmamahal at kasiyahan.

Hangad ng simbahan, na hindi lang ngayong Semana Santa ngunit araw-araw na nawa’y maging katuwang nila ang media sa pagpapabuti ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *