Mga miyembro ng Governor’s Special Action Group isinailalim sa 3- day Fishery Law Enforcement Training ng BFAR

CAMARINES NORTE- Isinailalim sa 3- day Fishery Law Enforcement Training ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga miyembro ng Governor’s Special  Action Group (GSAG) na nagsimula noong Martes.

Ginagawa ito sa BFAR Provincial Office sa bayan ng Mercedes na dinaluhan ng 46 na participants mula sa una at ikalawang distrito ng lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na required ang naturang training sa ilalim ng Republic Act 8550 o Philippine Fisheries Code as amended by section 158 ng RA 10652.

Ayon kay Tiam mismong ang tanggapan ni Governor Ricarte “Dong” Padilla ang humiling sa BFAR na maisailalim sa training ang mga miyembro ng GSAG upang mabatid ng mga ito ang mga umiiral na batas.

Mayroong dalawang aspeto ang training kung saan ang technical at legal aspect ay sa BFAR at ang preliminary ay sa kapitolyo probinsiyal.

Itinuro sa mga miyembro ng GSAG ang scope and limitations ng kanilang trabaho.

Ayon pa kay Tiam ang saklaw ng gagawing panghuhuli ng mga miyembro ng GSAG ay sa municipal water pero pwede rin umano silang manghuli sa labas nito kung mayroong maaktuhang nagsasagawa ng iligal na pangingisda.

“Required po kasi talaga na sila ay dumaan ng deputization dahil hindi naman po sila maisyuhan ng authority kung hindi po sila dadaan ng seminar,” ani Tiam.

“Ituturo yan sa kanila kung ano yung dapat nilang gawin kasi po bounded nga po sila ng authority na mga limitado lang na ano, na mga authority na ibibigay sa kanila.”

Mag – iisyu ng certification ang BFAR na magpapatunay na sumailalim ang mga ito sa training pero ang deputization ay mangagaling pa rin sa Office of the Governor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *