Mga miyembro ng MANIBELA – hinarang daw ng PNP

Inakusahan ng Grupong Manibela ang Philippine National Police sa pagharang umano sa Ilang miyembro nila mula sa mga Probinsiya na sasama sa transport caravan ngayong araw.

Sa ulat na natanggap ni Manibela Chairman Mar Valbuena, hinarang , kinuha ang lisensiya at hinold umano ng kapulisan ang ilang jeepney sa mga entry points patungong Metro Manila mula Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

Sa Cavite, sabi ni Valbuena walong jeepney na may sakay na halos tatlong daang miyembro nila ang pinigilan umano sa checkpoint.

Sabi ni Valbuena kung mayroon mang nakitang violation dapat daw tinikitan ang mga ito at pinaalis.

Ngunit wala pa raw silang natatanggap na paliwanag mula sa pulisya.

Samantala, ipinarating na ng Brigada News FM – Manila kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo ang ulat na binanggit ni Valbuena ngunit wala pang tugon ang PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *