Mga motor na nakaopen pipe, naging alternatibong pampa-ingay sa Goa, Camarines sur

CAMARINES SUR- Naging maingay man ang pagsalubong sa bagong taon, wala namang naitalang mga malalaking insidente o krimen sa bayan ng Goa, Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni PMAJ Rodolfo Borromeo, Chief of Police ng Goa Municipal Police Station kung saan napag-alaman na karamihan sa mga residente ay ginamit ang mga motor na may open pipe upang magingay sa halip na magpaputok.

Aniya, kahit na nga may ipinalabas na ordinansa ang LGU Goa patungkol sa Noise Control, hinayaan na lamang nila itong magsaya’t magingay kaysa makadisgrasya gamit ang paputok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *