Mga naarestong election gun ban violators, pumalo pa sa 2,132 – PNP

Pumalo na sa 2,132 ang kabuoang bilang ng mga naarestong lumabag sa nationwide election gun ban.

Ang gun ban na nagsimula noong Jan. 9, ay magtatagal hanggang June 8, 2022.

Ayon sa datos ng PNP, ang mga lumabag ay kinabibilangan ng 2,051 na mga sibilyan, 14 na mga police officers, siyam na military personnel, 38 security officers at 20 na nasa uncategorized.

Samantala, ang kabuoang armas na nakumpiska ay nasa 1,543, kasama ang nasa 9,300 rounds ng bala, at 753 deadly weapons.

Kaugnay nito, ang Merto Manila ang may malaking bilang ng mga gun ban violations sa 721, sinundan ng Central Visayas sa 232, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon) na may 219, Central Luzon sa 163, at Western Visayas na may 121 total incidents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *