Local News

Mga nabakunahan ng booster shot sa Camarines Norte halos nakapako pa rin sa 10 porsiento

CAMARINES NORTE- Nakapako pa rin sa halos sampung porsiento ang mga nabakunahan ng booster shot sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa datos ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center hanggang noong Sabado,  nasa 10. 4 percent pa lang ang nakakatanggap ng unang booster sa 322, 827 na fully vaccinated.

Ang bayan ng Daet ang may pinakamataas na bahagdan ng nabakunahan ng booster shot na nasa 22. 6 percent

Nasa 17, 660 ang nakatanggap na ng booster dose sa naturang bayan sa 72, 922 na fully vaccinated.

Ang labing isang bayan ay mababa pa sa 20 porsiento ang COVID- 19 booster shot.

Ang San Vicente na pinakamaliit bayan ay mayroong  19 percent sa 8,  474 na fully vaccinated.

Nasa 14. 6 porsiento naman sa Talisay na may nabakunahang 2, 812 sa  16, 252 na fully vaccinated.

Habang sa  San Lorenzo Ruiz naman ay nakapagbakuna ng booster sa  1, 260 indibidwal sa 7, 730 na fully vaccinated.

Ang bayan naman ng Mercedes ay nakapagbakuna ng booster sa 4, 165 na indibidwal o 11 percent.

Nasa 26, 132 indibidwal o 69 percent ang fully vaccinated sa naturang bayan.

Ang nalalabi pang mga bayan ay wala pang sampung porsiento ang nabakunahan ng booster shot.

Umaabot naman sa 5, 606 na indibidwal ang nakatanggap na ng ikalawang booster o 1. 29 percent.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago