Mga nabiling ambulansya ng DOH, alinsunod sa mga panuntunan ng gov’t – Duque

Binigyang diin ng Department of Health na ang pagbili ng gobyerno sa mga ambulances na sinasabing overpriced, ay alinsunod sa licensing standards at sumailalim sa competitive bidding.

Ang tugon ng DOH ay kasunod ng alegasyon ni Senator Panfilo Lacson na ang mga ambulances na binili ng DOH ay overpriced ng P1 million per unit.

Giit kasi ni Lacson na sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program ng ahensya, ang mga ambulances na may kompletong medical equipment ay nabili ng P2.5 million bawat isa, pero nang sinuri umano niya ito sa local governments na bumili ng kaparehong equipped vehicles na ang actual cost per unit ay nasa P1.5 million.

Paliwanag naman ng DOH, ang naturang ambulances at Type I ambulances, na fit sa Basic Life Support equipment gaya ng defibrillators, laryngoscope na may tatlong blade sizes, suction machines, immobilization devices, at communication equipment na prescribed sa ilalim ng licensing standards na itinakda sa Administrative Order 2018-0001.

Kasama rin umano sa nabiling ambulansya ay vehicle insurance, LTO registration, at orientation at training ng end-users sa pag-gamit at pag-alaga ng ambulance at equipment.

Sa huli, tiniyak ni Duque na bukas ang DOH sa mga habkang ng gobyerno para sa checks and balances. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *