Mga nag-apply ng UMID mula Aug. 2017-Dec. 2020 binigyan na lamang ng hanggang December 2023 para ito makuha

Inanunsyo ng Social Security System na mayroon na lamang hanggang Dec. 29, 2023 ang mga nag-apply ng Unified Multi-Purpose Identification o UMID mula August 2017 hanggang December 2020 para makuha ito.

Pagkatapos umano ng deadline, ang mga unclaimed cards na bumalik sa SSS matapos ang dalawang beses na delivery attempts ay dadalhin na ito sa SSS retention policy.

Dahil dito, pinapaalalahanan ng ahensya ang mga myembro na kunin na ang kanilang mga UMID.

Maaaring tingnan ang estado ng UMID card application sa pamamagitan ng My.SSS Portal.

Simula February 2023 ay inihinto na ng SSS ang pagtanggap ng aplikasyon para sa regular UMID cards at ang kasalukuyang ino-offer ay UMID ATM Pay Card para sa mga myembro na mayroong existing UMID cards o kaya naman ay may pending UMID card applications.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *