Mga nag-file ng SOCE sa Albay, ‘di pa masasabing 100%; COMELEC, walang ibinigay na extension

LEGAZPI CITY – Ngayon ang itinakdang huling araw ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng lahat ng mga tumakbong kandidato sa Barangay at SK Elections.

Sa lalawigan ng Albay, nasa mahigit 60% na ang mga nagsipag-file ng SOCE base sa datos kahapon ng Commission on Elections (COMELEC) Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Provincial Election Supervisor Atty. Ma. Aurea Bo-Bunao, sinabi niya na hindi pa masasabing 100% na ang nagsipag-file ng SOCE kahit pa huling araw na ngayong Nobyembre 29.

Aniya, bukas ang kanilang opisina kahit pa minove noong Lunes ang holiday na dapat sana ay bukas, ngunit siya man din ay napaisip kung bakit halos wala o kaunti lamang ang tumungo sa COMELEC offices upang magsumite.

Samantala, binigyang-diin ni Bunao na walang abiso ang COMELEC head office na magbibigay ng extension sa pag-file ng SOCE.

Kaya panawagan niya sa mga kumandidato lalo na sa mga elected officials na hindi pa settled ang SOCE, humabol sa pagpasa upang wala nang problemahin sa hinaharap.

Sa ngayon, pakonti-konti lamang kasi aniya ang mga nagsusumiteng elected officials sa Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *