Mga nag-negatibo sa swab test, hiniling na tapusin ang 14-day quarantine

KORONADAL CITY โ€” HINIHILING ngayon ng City Health Office ng Koronadal sa mga taong nag-negatibo sa RT-PCR test o swab test na huwag munang lumabas ng bahay at gumala-gala sa lahip tapusin ang 14-day quarantine period.

Ito ang apela ni City Health Officer Dr. Edito Vego sa publiko matapos nakumpirma na may iilang bumalik agad sa trabaho at lumabas na ng bahay matapos nakatanggap ng negatibong resulta sa swab test.

Paliwanag ni Vego na importanteng tapusin ng mga ito ang 14-day quarantine dahil may posibilidad na nag-i-incubate pa ang virus sa katawan at lumalabas ang sintomas sa ika-11 o ika-14 na araw ng quarantine matapos nawaha sa isang Covid-19 positive.

Dahil dito, apela ni Vego sa publiko na huwag makampante sa halip ituloy ang self-quarantine at self-monitoring sa loob ng 14 na araw upang makasiguro na ligtas sa Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *