Mga nagkaaberyang VCMs, nasa mahigit 500 – COMELEC

Umabot na sa 512 na mga Vote Counting Machines (VCMs) ang nagka-problema sa isinagawang mga final testing and sealing sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay COMELEC Commisioner Marlon Casquejo, ang mga nagkaaberyang VCMs ay dinala sa mga repair hubs at kasalukuyang inaayos.

Sa datos ng ahensya, nasa 65,857 na VCMs ang dumaan sa final testing and sealing na katumbas ng 62% mula sa mahigit 106,000 na VCMs na gagamitin sa eleksyon sa Mayo 9.

Nasa 91 SD cards naman ang nagkaaberya na agad namang napalitan.

Una nang sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na normal lamang na magkaaberya ang ilang mga VCMs dahil ilang beses na rin itong nagamit sa mga nakaraang eleksyon.

Sa kabila umano nito ay siniguro ng ahensya na magiging “effective and efficient” ang naturang mga makina para mapangalagaan ang boto ng bawat Pilipino.

Samantala, ilang araw bago ang eleksyon ay sinabi ni Garcia na 100% na kanilang VCMs distribution sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *