Mga naglilibot-libot na mga miyembro ng Filipino Katoliko, Inc. sa rehiyon Bicol, hindi umano konektado sa simbahang katoliko ayon sa isang Obispo

BNFM BICOL— MARIING sinabi ng Simbahang Katoliko na hindi konektado sa kanila ang ilang mga miyembro ng Filipino Katoliko, Inc. na kasalukuyang naglilibot-libot sa iba’t ibang mga probinsya sa Bicol.

Nilinaw ito ng mismong Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon sa pangunguna ni Bishop Jose Allan Dialogo base sa kanilang inilabas na Circular No. 2 series of 2024 para hindi magkaroon ng kalituhan sa mga mananampalatayang Kristiayano.

Matapos ngang pag-usapan sa social media ang mga kalalakihang nakapambihis ng pang-pari at ilang mga babae na nakasuot naman ng damit pang-madre agad na nag-trending ang mga larawan.

Ang nasabing grupo ay pinamumunuan ni Most Rev. Pedro P. Fenis Jr. na kung saan sila ay naglilibot-libot para humingi ng donasyon para sa pagsasaayos ng kanilang simbahan sa Bigaan, Hinatuan Surigao Del Sur na aabot sa PHP2,200,000.OO ang kinakailangang nilang budget.

Samantala, sila rin ay humaharap sa ilang mga konseho para ipaabot ang kanilang pakay kung bakit nila patuloy na sinusuyod ang ibat-ibang panig ng reihiyon. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *