Mga nagmamay- ari ng aso pinaalalahan sa kanilang responsibilidad

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Mercedes Municipal Police Station ang mga nagmamay- ari ng aso hinggil sa kanilang responsibilidad upang hindi ito maging sanhi ng kapakamahakan ng iba.

Sa pamamagitan ng post sa facebook kaninang umaga, ipinaalala ng naturang Municipal Police Station ang legal na responsilbidad para sa proteksyon ng alaga at lalo’t higit ng ibang tao at mga motorista.

Mababatid na tila pangkaraniwang na lamang sa naturang bayan na pakalat- kalat ang mga aso sa kalsada na kung hindi man makakakagat ay posibleng maging sanhi pa ng disgrasya sa mga dumadaang motorista.

Ayon sa Department of Health (DOH) apat na kaso ng pagkamatay ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa rabies noong 2020.

Pumangatlo ang lalawigan sa buong Bicol sa may pinakamaraming kaso ng pagkamatay dahil sa rabies.

Nasa 6, 362 naman ang naitalang animal bite cases sa loob ng panahong nabanggit.

Maliban dito, mayroon na ring mga kaso ng pagkamatay dahil sa aksidente sa kalsada na ang dahilan ay ang mga pagala- galang aso.

Sa ilalim ng Anti- Rabies Act of 2007, kinakailangang may tali ang aso kapag inilalabas ito ng bakuran.

Mayroon ding obligasyon ang may ari na pabakunahan ang alaga kontra rabies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *