Mga nagpapabakuna ngayong araw sa CNPH kakaunti lang

CAMARINES NORTE- Hindi tulad noong mga nagdaang araw, kakaunti lang ngayon ang nagpapabakuna sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) na ginagawa sa Out Patient Department.

Kung dati  madaling araw pa lang ay mahaba na ang pila, ngayong Biyernes ay kakaunti lang ang nakapila sa naturang vaccination site.

Ayon sa Provincial Health Office marami ngayon ang Pfizer vaccine at tumatanggap din ito ng walk in para sa mga nagnanais magpaturok ng first at second dose gayundin ng booster shot.

Matatandaan na pansamantalang nahinto ang bakunahan sa natitirang dalawang araw noong nakaraang linggo dahil sa iba pang mga inaasikaso ng vaccinators.

Sa Basud Sports Complex din ay mayroong bakunahan kahapon at ngayong araw.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan maaaring pumunta sa naturang vaccination site hanggang alas 4 mamayang hapon.

Ang ituturok na bakuna ay para sa lahat ay Pfizer mapa first, second at booster doses.

Pinapaalalahanan lang ang mga magpapabkuna na sundin ang health protocols kontra COVID- 19.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health mahigit 70 % na ang vaccination coverage sa lalawigan.

Nasa 52 % naman dito ay fully vaccinated.

Target ng iba’t- ibang LGU sa lalawigan na pabilisin pa ang pagbabakuna sa gitna na rin nga patuloy na banta ng Omicron variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *