Mga nagpapabooster dose laban sa COVID-19 sa Naga, mababa pa rin.

NAGA CITY – Nananatiling mababa pa rin ang naitatala nilang bilang ng mga  nagpapa booster shots, sa kabila ng pag-bara –barangay at pagbibisita na sa mga opisina.

Ito ang sinabi ni  Nelia Benito, Nurse 3 ng  Naga City Health Office at siyang in-charge sa vaccination activity ng lungsod.  

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga sinabi ni Benito na kailangan na  ng booster shot dahil lipas na ang bisa ng dalawang bakuna na naiturok sa mga unang nabakunahan.

Kabilang sa activity nilang ginagawa sa ngayon ay ang pagbibisita sa mga pribado at pang gobyernong opisina para alukin ang mga empleyadong magpa booster shots na .

Anya’y may mga empleyado na wala ng oras pumunta sa vaccination site sa SM City Naga, kaya sila na lamang ang bumisita sa mga ito.

Isa sa pinangangambahan nina Benito ay iyong posibleng patuloy na pagkakaroon pa rin ng nagkakasakit dahil sa COVID-19 kung ganitong ayaw ng magpa booster shot ang publiko.

Puwedeng magpa bakuna at magpa booster shots sa kanila ang lahat, mga taga lungsod at maging galing sa ibang bayan ng Camarines Sur.            

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *